Ilulunsad ng mga taga-suporta ni Bise Presidente Leni Robredo ang "United for 2022" sa mismong Araw ng Kalayaan sa Sabado, Hunyo 12, para sa preparasyon sa darating na May 2022 national elections.
Isa itong online event na sasabay sa opposition coalition na 1Sambayan sa pag-anunsyo ng huling listahan ng mga kandidato para sa pagka-pangulo, na inaasahang isa sa mga nominado si Robredo.
Basahin:https://balita.net.ph/2021/06/08/trillanes-vp-robredo-best-candidate-para-sa-oposisyon-sa-2022/
“Sa ating event, ilalatag ng mga kapwa-volunteer natin ang mga adhikain at adbokasiya ng ating samahan,” ayon sa Facebook page ng grupo.
Tampokdin dito ang pagpapasiklab ng mga artista at banda, kagaya ng Gracenote, Moonstar88, Banda ni Kleggy, Audie Gemora, Juris, 6Cyclemind, Louie Ocampo’s all-star cast at Bituin Escalante.
Magsisilbing event host si Miss Trans Global 2020 Mela Habijan.
“Tayo na’t itaguyod ang isang kilusang kakampi ng mga ordinaryong Pilipino, magbibigay ng pag-asa, at magtutulak ng pagkakaisa para sa paghilom ng ating bansa” ayon sa grupo
Ayon kay Harvey Keh, isang malapit na kaibigan ng mga Robredo at lead convenor ng Kaya Natin! Movement, siya’y dadalo sa online event ng Team Robredo sa kanilang Facebook page.
“I’m supporting VP whatever she decides—President or gov(ernor),” aniya.
Tinutukoy niya ang napapabalitan mga plano ng bise presidente na ito ay tatakbo bilang gobernador ng Camarines Sur kaysa sa pagtakbo sa pagka-presidente sa 2022. Ngunit ayon kay Robredo ay hindi pa siya nakakapag desisyon tungkol sa politikal na plano.
Basahin:https://balita.net.ph/2021/06/06/robredo-wala-pang-desisyon-para-sa-2022-national-election/
Sinabi ni Bernice Nar sa Manila Bulletin na iboboto niya si Robredo dahil siya ay “a breath of fresh air.”
“We rarely see politicians who actually make it a point to reach out to the people they serve. VP Leni has been doing that since her time in Congress. We’ve seen her do that again and again in the past year as we face the pandemic,” aniya
“I’ve seen her programs. I know people who her programs have helped. Her office received the highest audit rating from COA (Commission on Audit). I can go on and on but the point is that finally, here is someone who we can rally behind. She acts. She believes in accountability. For me, she is hope personified,” dagdag pa nito.