July 23, 2026

Home BALITA National

PBBM bet ma-reset relasyong Pilipinas-China

PBBM bet ma-reset relasyong Pilipinas-China
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB, Unsplash


Isiniwalat ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kagustuhan nitong hindi na maulit ang mga nangyari sa pagitan ng China at Pilipinas kamakailan.

Kaugnay ito sa dayalogong ikinasa nina PBBM at ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan kasunod ang pag-atake ng Chinese Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal kung saan isang personnel ng Philippine Navy (PN) ang nasaktan; at ang paglabas ng China’s Daily ng isang Artificial Intelligence (AI)-generated video na itinuturing ang mga Pinoy na unggoy.

MAKI-BALITA: Chinese ambassador Jing Quan, ipinatatawag ni PBBM sa Malacañang-Balita

Sa press briefing na isinagawa ng PCO nitong Huwebes, Hulyo 23, idiniin din ni Usec. Castro ang naisin ni PBBM na ma-reset ang relasyon ng Pilipinas at China.

“Actually, tumagal ang meeting ng isang oras at bente minutos,” panimula ni Usec. Castro.

Aniya, “Nag-usap sila at nais na mangyari dito ng Pangulo ay hindi na maulit ang mga pangyayari; at ma-reset sana ang relasyon ng China at ng Pilipinas sa mas magandang pakikipag-ugnayan.”

Giit ng press officer, hindi niya maibibigay ang detalye kaugnay sa mga naging sagot ni Jing.

Gayunpaman, idiniin niyang naging maganda naman ang usapan ng dalawa.

KAUGNAY NA BALITA: Amb. Jing Quan, idiniing walang kaugnayan Chinese gov't sa AI-monkey depiction sa mga Pinoy-Balita