July 25, 2026

Home BALITA

Amb. Jing Quan, idiniing walang kaugnayan Chinese gov't sa AI-monkey depiction sa mga Pinoy

Amb. Jing Quan, idiniing walang kaugnayan Chinese gov't sa AI-monkey depiction sa mga Pinoy
Photo courtesy: via MB, China Daily/FB


Iginiit ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan na wala umanong kaugnayan sa gobyerno ng China ang inilabas na Artificial Intelligence (AI)-generated video ng China Daily kung saan itinuturing na mga unggoy ang mga Pilipino.

Sa pahayag na ibinahagi ni Jing Quan sa media noong Martes, Hulyo 21, “media action” lang umano ang paglalabas ng video—at wala umano itong kinalaman sa Chinese government.

“It’s just media’s you know action—it’s nothing related to government,” diin ni Jing Quan sa kaniyang pahayag.

Aniya, “And there’s so many media in China. Cannot ask each media, each video, each article, each paper you know to try to control, no no no.”

“And also, I think you know, we don’t have any comment on that. That’s the position. Actually, you know, when we say we don’t have comment, that’s our position,” dagdag pa niya.

Umani ang naturang video ng mga reaksiyon, komento, at pagkondena mula sa mga senador at mga ahensya ng pamahalaan.

MAKI-BALITA: DFA, umalma sa pagtuturing ng China na unggoy sa mga Pinoy!-Balita

MAKI-BALITA: 'Mindset of an entitled bully!' De Lima, tumirada sa pa-unggoy ng China-Balita

Matatandaang isa ang nasabing video sa mga inasahang pagdidiskusyunan ng Chinese ambassador at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., matapos siyang ipatawag ng huli sa Palasyo noong Martes ng hapon, Hulyo 21.

Kasama na rin doon ang naganap na pag-atake ng Chinese Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal noong Lunes, Hulyo 20, kung saan isang personnel ng Philippine Navy (PN) ang napaulat na nasaktan.

MAKI-BALITA: Chinese ambassador Jing Quan, ipinatatawag ni PBBM sa Malacañang-Balita