July 21, 2026

Home BALITA National

'Mindset of an entitled bully!' De Lima, tumirada sa pa-unggoy ng China

'Mindset of an entitled bully!' De Lima, tumirada sa pa-unggoy ng China
Photo courtesy: File Photo, China Daily

Bumuwelta na rin si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima kaugnay sa inupload na Artificial Intelligence (AI) generated video ng China Daily’s publication na naglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy. 

Inupload ito ng China Daily noong Hulyo 10, 2026, kung saan mapapanood ang isang unggoy sa nakasuot ng salakot at barong, mga pangunahing katangian ng Pilipino, habang inuutusan umano ng mga bansang United States (US) at Japan.

KAUGNAY NA BALITA: DFA, umalma sa pagtuturing ng China na unggoy sa mga Pinoy!

Sa “X” post ni De Lima nitong Biyernes, Hulyo 17, 2026, makikitang nirepost niya ang nauna nang naging pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela laban din sa naturang AI video ng China. 

Tirada ni De Lima, malinaw raw na pinapakita ng naging post ng China kung gaano raw kaarogante ito at hindi nalalaman ang mga limitasyon. 

National

Sen. Alan, binanatan si Sen. Erwin; Tito Sen, rumesbak!

“It further reveals how little they think of us and how highly they think of themselves. This is another act that reflects the mindset of an entitled bully,” pagsisimula niya. 

Ani De Lima, pinapakita rin daw ng naging kilos ng China ang pagka-inggit at inis nito dahil sa patuloy na pagpalag ng Pilipinas para sa soberanya nito sa West Philippines Sea (WPS), hindi raw katulad noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

“On the other hand, it also shows China’s continued insecurity and frustration because our country refuses to yield in upholding our sovereign rights over the West Philippine Sea. Unlike during the previous administration, we do not kowtow to their caprices,” aniya. 

Diin ni De Lima, maaari daw magpakasal ng maraming propaganda, AI-generated videos, at kathang isip na mga tirada ang China ngunit hindi raw nito mabubura ang katotohanang sa Pilipinas ang WPS, alinsunod sa Konstitusyon at pang-internasyonal na batas. 

Pagpapatuloy niya, mas nagiging kahiya-hiya at katawa-tawa lang daw ang China sa mata ng buong mundo at tiyak daw na hindi pa ito titigil sa pambu-bully sa Pilipinas, kaya raw hinikayat niyang patuloy na umalma at tumayo ang mga Pilipino para sa soberanya at pambansang dangal. 

“Sa ginagawa nilang panggigipit, pagbabanta at mga kasinungalingan, sila ang mas nagiging kahiya-hiya at katawa-tawa sa mata ng buong mundo. Bilang bully, malamang na hindi sila titigil sa ganitong pang-aalipusta hangga't hindi nila nakukuha ang kanilang gusto. Kaya patuloy lang dapat tayong pumalag at manindigan para ipagtanggol ang ating soberanya at pambansang dangal,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, ibinahagi rin ni Tarriela ang naturang pahayag na ito ni De Lima sa kaniyang social media feed at pinasalamatan niya ang mambabatas sa pagtindig nito para sa bansa. 

Samantala, habang sinusulat ito, mapapanood pa rin ang naturang AI generated video ng China Daily sa kanilang Facebook page sa kabila ng apela ng Department of Foreign Affairs at ni Sen. Robin Padilla na burahin ito.

KAUGNAY NA BALITA: 'Mapanlait!' Kampo ni Sen. Robin, pumalag sa pa-unggoy ng China sa mga Pinoy

KAUGNAY NA BALITA: 'Mga kababayan, 'di po tayo unggoy!' Tarriela, binirang 'mas masahol pa sa hayop' ang China