Handa na muli si Angel Locsin na makamit ang dati niyang katawan.

Ibinahagi kamakailan ng aktres sa social media, na sinusubukan niya ngayon ang isang diet program prescribed ng isang respected clinic.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sinundan niya ito ng pagbabahagi ng isang photo para sa kanyang first meal sa ilalim ng programa.

“I’m on a 800-calorie diet and according to my nutritionist … ‘yun ang kailangan to achieve my goal,” paliwanag ng aktres. “So please bear with me and wish me good luck.”

Matatandaang na-body-shamed si Angel noong 2019, matapos kumalat sa social media ang photos niya looking all-too rotund.

Siyempre, nasaktan ang aktres.

Pahayag ni Angel, “May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, e. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. “E, ikaw, okay ka ba?”

Bago ito, sinabi rin ni Angel na ang kanyang pagtaba ay dahil hindi siya makapag-workout tulad ng dati dahil sa spinal injury.

“Noong bumalik ako ng workout, umiyak ako, e. Naramdaman ko ‘yung mga hindi ko na puwedeng gawin. Dati kasi feeling mo superhero ka talaga, kaya mong gawin lahat. Kailangan mong harapin na iba na. Hangga’t hindi mo natatanggap ‘yon, hindi ka mag-mo-move forward kasi, eh,” pagbabahagi pa ni Angel.