ILOILO CITY – Binawian ng buhay ang isang lalaking naghuramentado matapos lumaban sa mga pulis sa Sta. Barbara, Iloilo, kamakailan.
Sa report ng Sta. Barbara Police, nakilala ang suspek na si Joel Simpao, 41, at taga-Bagumbayan village na pinaniniwalaang nakararanas ng nervous breakdown.
Idinahilan naman Maj. Raymond Celoso, hepe ng Sta. Barbara Police, nagresponde lamang ang mga tauhan nito matapo humingi ng tulong sa kanila ang babaeng kapatid ni Simpao dahil sa pag-aamok umano ng suspek na armado ng itak at patalim.
Ayon kay Celoso, matapos niyang ipadala sa lugar ang kanyang mga tauhan, nagresponde na rin ito upang pangunahan ang negosasyon kay Simpao.
“We wanted him to put down his weapons, but he wouldn’t,” ayon kay Celoso.
Nang tangkaing payapain si Simpao, sinugod pa umano nito si Celoso na natumba.
Dahil dito, binaril ni Master Sergeant Richard Jamoyot, miyembro ng Special Weapon s and Tactics team si Simpao sa kanang bahagi ng katawan hanggang sa matumba.
Gayunman, tumama umano ang hawak na itak sa kanyang ulo na sanhi ng ikinamatay nito.
Tara Yap
ReplyForward