Bago si Gerald Anderson, si Claudine Barretto muna.

Apparently, naunahan siya ng aktres na mang-“ghost”.

Bagamat itinanggi ito ni Gerald, inakusahan ni Bea Alonzo ang kasalukuyang boyfriend ni Julia Barretto, nang bigla na lang pang-iiwan nang walang paliwanag.

Well, iba naman si Claudine.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Claudine

Handa ang aktres na aminin ito, 25 years after.

Sino ang kanyang biktima?

Walang iba kung ‘di ang kanyang ex boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.

Sa isang panayam kamakailan, isiniwalat ni Claudine na she ghosted Mark, na nagtapos ng kanilang relasyon.

Pero for a good reason naman, aniya, ito.

Ayon kay Claudine, nag-cheat kasi si mark.

“That was the time na nambabae siya,” pag-alala ng aktres sa isang interview. “One day I woke up and realized mas importante careers namin.”

Mark at Claudine

Hindi rin umano siya nabigyan ng tiyansa para mag-apologize sa kanyang naging aksyon pero hindi naman ito labis na dinamdam ni Mark.

“We were never enemies. Though walang closure, we have remained friends,” ayon kay Mark.

Panay rin ang puri ni Claudine sa aktor.

“He is a gentleman, always. Kahit dati pa. That’s why I still love him very much even now as a very dear friend. We don’t see each other often but we talk, we call each other.”

Teen noon ang dalawa nang mag-in love sa isa’t isa.

Taong 1996 sila naghiwalay.

This time, nakatakdang gumawa ng pelikula ang dalawa sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.