Hindi man maganda ang kasalukuyang relasyon, mataas pa rin ang pagtingin ng aktres na si Claudine Barretto sa kanyang pamangkin, ang aktres na si Julia Barretto.

Sa isang interview, hiningan ng opinyon si Claudine hinggil sa “outdated” career ni Julia, ang anak ng kanyang kapatid na si Marjorie at komedyanteng si Dennis Padilla.

Say ni Claudine, ayaw niyang isipin na “failing” ang career ni Julia.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Julia

Aniya, hindi lamang ito nabibigyan ng tamang showbiz projects.

Pagbabahagi pa ni Claudine, bago pa masangkot si Julia sa mga kontrobersiya, hinihintay nilang lahat ang pagdating ng magandang proyekto para sa kanya.

Naniniwala rin siya na maaaring nakaapekto ang prisensiya ng mga love teams tulad ng

KathNiel, JaDine, at LizQuen sa career ni Julia.

“Medyo nega nasusulat para sa pamangkin ko pero at the end of the day, pamangkin ko pa rin yun (There are so many negative write-ups about my niece, but at the end of the day, she’s still my niece),” giit ni Claudine.

“Di ako naniniwala na babagsak siya (I don’t believe she will fail),” dagdag pa ng aktres.

Ayon pa kay Claudine, naranasan na niya ang mga pinagdadaanan ni Julia, partikular noong “rebellious day” niya.

Sinabi rin ni Claudine na makakapasok sa showbiz si Julia dahil galing siya sa talentadong celebrity clans ng Barrettos at Padillas.