Nilinaw ni Pauleen Luna na ang kanyang fitness journey ay hindi para sa sa kanyang asawa na si Vic Sotto.

Ito’y bilang reaksyon sa isang netizens na nagkomento ng: “Sigi lagi kang magpaganda para sau lang attn ng mister mo. Pero sana ung pagpapaganda mo para sa mister mo lang.”

“Thanks for the concern, but I’m doing this for myself. I wanna be strong and healthy, so I can live a long life for my family,” sagot ni Pauleen.

Giit pa niya: “Not doing this for my husband’s attention or for any guy’s for that matter.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Mula sa IG

Nitong nakaraang buwan, ginulat ng 32-anyos na aktres ang kanyang fans nang aminin nito ang kanyang sakit na polycystic ovary syndrome (PCOS).

Anyway, excited na ang asawa ng 67-anyos actor-comedian dahil balik na siya sa kanyang “pre-baby body.”

Taong 2017 nang manganak si Pauleen sa unang baby nila ni Vic.

“I only started to take this fitness journey seriously February 2021 but boy am I glad I did! Lots of hardwork and discipline but I’m happy that I was able to get back on track even if it took a long time! Special thanks to the people who push me to be a better version of myself!”

“This isn’t the end of the journey because fitness is a lifelong thing! To all the mamas messaging me, thank you and take your time, do not rush and you do you!”