Tuluyan na ngang nagbabalik ang magaling na aktor na si John Lloyd Cruz na kilala rin sa tawag na JLC, Lloydie at Popoy (character sa pelikula). Pruweba na nga ay ang presensiya niya sa naganap na grand event ng isang online shopping app. Kung hindi nga lang pandemic malamang punung-puno ng audience ang Smart Araneta Coliseum na magsisigawan at magpapalakpakan na siyang magpapataas ng adrenaline ng aktor. Ito ang first time na lumabas ang premyadong aktor after so many years na indefinite leave, ika nga ni Willie kahit nakikita si John Lloyd social media iba pa rin ang exposure sa TV. Sa mismong event inawit ng aktor ang “Yakap” na bagay sa kanyang pagbabalik sa industriya.

Sa mainit na pag-welcome kay John Lloyd, kinausap ito ni Willie Revillame na kasama sa segment ng “Pera o Kahon.” Ayon sa TV host miss na ng mga tao ang isang John Lloyd Cruz at tinanong kung handa na ba ito sa muling maging aktibo sa showbiz. Obvious naman na handa na ang aktor biro nga niya kay Willie, “Nanginginig pa.”

Sundot na tanong uli ni Willie, “Anong nararamdaman mo ngayon?” Saad ni John Lloyd, “Nagpapasalamat sa iyo nandito ako, excited to be back. Si Kuya Willie nandito ako dahil sa iyo. Thank you… Thank you, thank you.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

John Lloyd

Sa nangyari kay John Lloyd, pinagdaanan din daw ito ni Willie noon at marami rin daw na tumulong sa kanya. Aniya, “Ang importante Lloydie nakausap kita nagkausap tayong dalawa. Napakaganda ng puso mo napakaganda ng pagkatao mo.

“Mahal na mahal mo si Elias mahal na mahal mo ang anak mo. Namimiss ka naming lahat. Ang galing mo! Fan mo ako, fan mo kaming lahat. Dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista. Sa totoo lang lahat ng GMA Artist gusto kang makasama sa isang pelikula. Lloydie, ang sumuporta sayo ang sambayanang Pilipino.

“I think sila ang dapat mong pasalamatan kaya ka nandito. Nadidinig ko nararamdaman ko ang pagmamahal sa iyo ng tao. Welcome back sa industriya kung saan ka nagsimula at alam kong dito tayo magtatapos din. Welcome back, John Lloyd Cruz!!!” Sa pagkakasabing ito ni Willie mangiyak-ngiyak naman ang aktor pero kita ang buong pasasalamat niya sa TV host.

Binanggit din ni Willie ang mga kilalang personalidad na naging daan sa pagbabalik ni John Lloyd gaya nila Direk Edgar “Bobot” Mortiz, Ms. Annette Gozon, Mr. Joey Abacan at iba pa.

Present sa event at full support din ang nagma-manage kay John Lloyd na si Maja Salvador kasama ang kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez. Spotted din sila Sam Verzosa at RS Francisco ng Frontrow na kapwa bahagi ng event. Masayang winelcome rin ni Jennylyn Mercado si John Lloyd. Dagdag pa ni Willie abangan daw sila ni John Lloyd na magbibigay-saya sa isang primetime show sa GMA-7. Yun na!