Higit 20 taon na silang kasal.

Nagtapos ang pagsasama nina William Martinez at Yayo Aguila kasunod ng kanyang pagsali sa “Pinoy Big Brother” noong 2007.

Pero ano nga ba ang pinag-ugatan ng kanilang hiwalayan?

Sa isang panayam kay Aster Amoyo sa vlog nito, na TicTALK, ibinahagi ni William na dahil ito sa ilang bagay.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

William

Kabilang dati ang pagtatalo nila ni Yayo, na ang huli, aniya, ay ang paninisi sa kanya sa pagkamatay ng ina nito.

Pag-alala ng 55-anyos na dating matinee idol, “She was blaming me… hindi ko alam kung bakit… She was so mad at me…”

Nariyan din, aniya, ang pagkakaroon ni Yayo ng “affair” habang nagbabakasyon sa US, bagay na nalaman umano niya, sa isa sa kanyang mga anak.

Pero hindi, aniya, siya ang nagbukas ng usapin ng breakup.

Ayon kay William nang umuwi si Yayo mula US, dito na siya sinabihan ng asawa na: “(Mag)hiwalay na kami.”

Napunta kay Yayo ang kanilang apat na anak.

Nasa 11 taon na ngayong mag-isa sa buhay si William.

Sa lahat ng nangyari, wala aniyang poot sa pagitan niya at ni Yayo.

Sa kanyang paglalarawan, “friends” naman sila.

Nang matanong kung may chance pa silang magkabalikan, sinabi ni William na negative, lalo’t wala na, aniyang “init” sa pagitan nila.

Hindi rin naghahanap si William ng panibagong partner, na matatag sa kanyang pangako na isang beses lamang siyang magpapakasal at that’s it.

Sa puntong ito ng kanyang buhay, nais ni William na muling subukan ang showbiz, kung masisiguro nila na nariyan pa rin ang kanyang fans at kaya pa niya.