Pinatatanggal na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kapulungan sa pangunguna ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate dahil umano sa pagiging komunista ng mga ito.
Partikular na tinukoy ni NTF-ELCAC Spokesperson Communications Undersecretary Lorraine Badoy, si Zabarte at lima pang miyembro ngmilitant party-list groups na aniya'y hindi bahagi ng lehitimong oposisyon. kundi prente lang ng Communist Party of the Philippines (CPP).
“Most definitely, we are using all legal teams, the resources of the government. It is the official stand of the NTF-ELCAC that the Makabayan bloc are made of high-ranking members of the CPP-NPA-NDF that are out to destroy the government,” aniya.
Sinabi niya na ang NTF-ELCAC ay nag-file na ng ilang kaso sa Commission of Elections laban sa nasabing grupo para madiskuwalipika sila sa pagtakbo sa Mayo 9, 2022 elections.
Bert de Guzman