CAGAYAN – Bumababa na ang naitatalang kaso ng African Swine Fever (ASF) virus saCagayanValley.
Ito ang inulat ng Regional ASF Task Force matapos ang pagpupulong ng Management Committee ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DA-RFO-02), kamakailan.
Sa report ni Dr. Manuel Galang Jr., Veterinarian III, nakapagtala lamang sila ng 22 na kaso sa Mayo kumpara sa pinakamataas na 2,945 nitong nakaraang Enero.
Sa Isabela, walang naiulat na kaso ng ASF sa nakaraang limang buwan.
Napababa ang kaso matapos mabigyan ng tamang impormasyon ang mamamayan kaugnay ng naturang virus.
Liezle Basa Iñigo