Matapos ang balita ng hiwalayan, dasal ngayon ni reigning Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang “stronger spirit” at “tougher heart.”

Post ni Rabiya sa Instagram nitong June 4: “Praying for stronger spirit and tougher heart every day.”

Kasama ng post na ito ang isang silhouette photo niya habang nakatanaw mula sa bintana.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screencap mula sa IG

Marami ang naniniwala na may kaugnayan ang post na ito ni Rabiya sa kanilang relasyon ng nurse-boyfriend na si Neil Salvacion.

Ibinahagi ni Rabiya ang post na ito matapos kumpirmahin ni Neil ang kanilang break up sa social media.

Sa kabila naman ng hiwalayan, sinabi ni Neil na kapwa “okay” at “moving forward” sila.

Bumuhos naman ang heart emojis sa comment section ng kanyang post, bilang pag-console sa heartbreak ng beauty queen.

Nananatiling nakabakasyon ang Ilongga beauty queen sa US matapos sumabak sa 69th Miss Universe beauty pageant sa idinaos sa Hollywood, Florida.

Ayon kay Jonas Gaffud, creative director ng Miss Universe Philippines, na nakasama ni Rabiya sa US, mananatili ng mas matagal ang Ilongga beauty queen sa US para dumalo sa ilang aktibidad.

Sa ilang ulat, balak din umanong subukang hanapin ni Rabiya ang kanyang ama sa US.

Inaasahang uuwi ang Miss Universe Philippines 2020 sa Hulyo.