Tampok kamakailan ang aktres na si Alma Moreno sa “Raffy Tulfo in Action.”

Ito’y matapos siyang ireklamo ng may-ari ng condo unit na inupahan niya ilang buwan na ang nakalilipas, si Theresa Grenard, dahil sa umano’y pag-alis sa unit nang hindi nagbabayad ng renta.

Ayon sa may-ari, nirentahan ng beteranang aktres—na employer ng kanyang kapatid—ang unit sa Parañaque nang isang buwan hanggang sa na-extend ang pananatili nito sa unit ng limang buwan.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

Gayunman, isang buwan lang umano ang binayaran ni Alma sa kanyang pagtira.

Bagamat walang planong magsampa ng kaso ang may-ari sa actress-politician, hiling nito na irespeto sana siya ni Alma.

Ani Theresa, hindi na niya sisingilin ang aktres sa overstaying nito, pero sana naman, aniya ay bigyan siya nito ng P40,000 para sa electric bill.

Pagpapatuloy pa ng may-ari ng unit, hindi niya makontak si Alma.

Samantala, ayon sa host ng show na si Raffy Tulfo, sinusubukan pa nilang makuha ang bahagi ng istorya ni Alma.

https://youtu.be/JFvd0ORY77M