Ipinasa na ng Kamara ang panukalang-batas na naglalayong doblehin ang buwanang pensiyon ng mahigit sa tatlong milyong mahihirap na senior citizen, mula sa P500 para maging P1,000.

Sa pamamagitan ng voice voting sa plenaryo nitong Martes, kaagad pinagtibay ng mga kongresista ang House Bill (HB) 9459 na nagpapanukala ring gawing madali at mabilis ang proseso ng pagtatamo ng monthly pension.

Ang HB 9459, isang susog sa Republic Act 7432, ay unang inaprubahan ng House committee on senior citizens na pinamumunuan ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes.

Bert de Guzman

Eleksyon

Ogie Diaz, may blind item sa kandidatong mamimigay ng 'pork barrel' pag nanalo