Nahaharap sa kasong kriminal ang aktor na si Tony Labrusca nang hubaran umano ang isang babae na bisita sa isang private party sa lungsod nitong nakaraang Enero 16.

Bukod sa kasong two counts ng Aggravated Acts of Lasciviousness na iniharap sa Makati City Prosecutor's Office nitong Biyernes, sinampahan din ang aktor ng Aggravated Physical Injuries nang sakalin umano nito ang isang lalaki sa nasabi ring pagkakataon.

Ang kaso ay iniharap ng legal counsel ng dalawang biktima na si Reggie Tongol.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Nag-ugat ang kaso nang bigla umanong tanggalin ni Labrusca ang spaghetti strap ng isang babaeng bisita kaya nalantad ang dibdib nito. Hindi pa nasiyahan, hinatak pa umano ng aktor ang babae upang umupo sa kanyang kandungan.

Dahil lasing na ang aktor, inaalalayan naman umano ito sa hagdanan ng isa pang lalaking bisita, gayunman, sinakal pa rin niya ito.

“The night was very traumatic to my clients as it is their first time to be victimized like this especially unexpected from one of the most idolized actors of ," pagdidiin pa ni Tongol.

Bella Gamotea