Tuluyan na bang tinuldukan ni Rabiya Mateo ang kanyang pitong taong relasyon sa boyfriend na si Neil Salvacion?

Ito ang tanong ng maraming netizens na nakapansin na in-unfollow na ng dalawa ang isa’t isa sa Instagram.

Rabiya

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maging ang latest post ni Rabiya ay nagpapahiwatig din.

“Praying for stronger spirit and tougher heart everyday,” post ng beauty queen.

Bago ito, inamin ng naging kinatawan ng bansa sa katatapos lamang na Miss Universe, na hindi maayos ang relasyon nila ni Neil.

Hindi naman nito idinetalye, at sinabi lamang na “it’s a complicated situation.”

Dagdag pa ng 24-anyos na Ilongga beauty, “But we’re friends.”

Matatandaan din na na-linked kamakailan si Rabiya sa “PBB” star na si Andre Brouillette.