Ang clingy naman ni Gerald Anderson!

Ito ang nabunyag sa latest vlog ng aktor, kung saan ibinahagi nito ang pagbisita sa hotel kung saan naka-quarantine ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto ng ilang araw.

Thankfully, hindi naman pinasok ni Gerald ang hotel.

Nakontento ang aktor sa pagtitig sa kanyang girlfriend na nakatayo few inches away from him sa pagitan ng glass window.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Syempre ang buong pangyayari ay nakunan ng isang cameraman na maririnig ding nagbibiro hinggil sa panghaharana kay Julia.

Sa isang bahagi pa ng video, makikita ang aktor na tumatalon na tila inaabot si Julia, na nasa balkonahe naman ng hotel room.

Julia

“Tell them this is what the virus does. The virus separates people,” ani Julia.

Wow, at bumalik pa si Gerald ng sumunod na araw.

Tila gustong i-comfort ang kanyang boyfriend, iniabot din ni Julia ang kanyang kamay sa direksyon ng aktor.

Feeling Romeo and Juliet?