Itinanggi ng Malacañang na may kinalaman sila sa kumakalat na text message na nagpapaalala sa publiko na magpabakuna na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inilabas ni Presidential spokesman Harry Roque ang pahayag matapos makatanggap ang publiko ng text message mula sa isang mobile phone number  na nagpapaalala na magparehistro na para sa vaccination program ng gobyerno.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Ang mensahe na nagmula umano kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ay mayroong hashtag na #SafePilipinas at #SafeDavao

“Dumarating na mga bakuna: Magrehistro sa barangay. Magpabakuna pag natawagan na. Mag-ingat lagi” ayon sa text message.

“Ako po 'yung in-charge sa communications pagdating po sa bakuna and I can say, bagama’t ang Presidente po ang best communicator, hindi po kami nagpapakalat ng ganoong text,” sabi pa ni Roque.