Boy or girl?

Ibinahagi kamakailan sa social media ng first-time parents na sina Rachel Peters at Migz Villafuerte ang gender ng kanilang unang anak.

Sa isang vlog obvious ang personal preference nina Miss Universe Philippines 2017 titleholder at Camarines Sur Governor.

Feeling ni Migs boy ang magiging anak nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Habang say naman ni Rachel: “I would love for the baby to be a girl, but I am 99.9 sure it is a boy.”

Gayunman, pink ang inilabas na usok ng sticks, na ibig-sabihin ay girl ang kanilang baby.

Dito na hindi napigilan ni Rachel ang emosyon.

“18 weeks of growing and loving you. You’re a dream come true our little chickpea,” post nito sa IG kalakip ang isang topless photo na nagpapakita ng kanyang baby bump.