Taong 2007, nang makatikim nang malakas na sampal ang aktres na si Kim Chiu sa kanyang co-star na si Glydel Mercado sa isang eksena ng kanyang unang teleserye na “Sana Maulit Muli.”

Kim

Pag-amin ni Kim sa kanyang “Truth or Drink” vlog, muntikan na siyang umuwi ng Cebu, dahil dito.

Ayon sa “Pinoy Big Brother” winner, bagamat eksena lang ang sampal, napatakbo siya sa kaynyang sasakyan at naiyak.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Paglilinaw ni Kim wala siyang sama ng loob kay Glydel.

Glydel

Dagdag pa niya, dahil sa sakit ng sampal sa mukha niya nakatulong naman ito na mabigyan ng hustisya ang kanyang karakter.