Marami ang natuwa noong Miyerkules ng gabi nang ianunsiyo ng Japan B.League na pumirma siKiefer Ravena para sa Shiga Lakestars bilang Asian import para sa 2020-21 season.

Ang 27-anyos na manlalaro ang ikalawang Pinoy na lalaro sa B.League kasunod ng kapatid niyang si Thirdy na nasa San-en NeoPhoenix mula noong isang taon.

Gayunman, mukhang magkakaroon ng problema si Ravena dahil sa kanyang existing na Uniform Players Contract.

“Sa ruling ng PBA, hindi puwede. Kasi sa UPC, may kontrata siya,” ani PBA Commissioner Willie Marcial.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi pa nakakapag-usap sina Ravena at Marcial hinggil dito kung kaya wala pang pahayag ang una kung paano siya maglalaro para sa Lakestars.

Marivic Awitan