Humingi na ng tulong legal ang sexy vlogger-actress na si Jelai Andres para sa kanyang problema sa asawang si Ex Battalion rapper King Badger o Jon Gutierrez.

Sa ulat ng TV5, naghain na ang Kapuso star ng reklamong concubinage sa Department of Justice.

Sangkot sa kaso si Jon at ang umano’y kalaguyo nito gayundin ang ilang tao na suportado ang aksyon ng singer-actor.

Ayon sa abugado ng vlogger, naghain din ang kanilang kampo ng hiwalay na reklamo laban kay Jon bilang paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Jon at Jelai

Present naman si Jon sa ikalawang hearing kasama ang kanyang abogado.

Gayunman, hindi nagsampa ng counter affidavit ang kampo ni Jon at tumanggi ring magbigay ng pahayag.

Nabanggit din ni Jelai na inaayos na niya ang annulment ng kanilang kasal.

Taon 2018 nang ikasal ang dalawa.

Matatandaan na madalas mag-away ang dalawa sa social media, na minsan ding inakusahan ni Jelai si Jon na “drug addict.”

Itinanggi naman ito ng huli.