Ilang buwan matapos ang hiwalayan, aminado si former “Pinoy Big Brother” housemate Lou Yanong na dinadamdam pa rin niya ang natapos na relasyon sa kanyang ex-boyfriend na si André Brouillette.

Sa episode kamakailan ng “Magandang Buhay,” sumabak ang 24-anyos na modelo sa larong “Spell or Spill.”

Nang matanong kung pinagsisisihan ba niya ang pakikipaghiwalay, game na ibinahagi ni Lou na ang kanilang break up ay nangyari sa tamang panahon.

“It’s like, it was needed so that we can know ourselves more and grow,” ani Lou.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Lou

Nilinaw rin niya na “distance” ang main reason ng kanilang breakup at wala nang iba.

Pinagsisihan ba niya ang pakikipagrelasyon kay Andre?

Not at all, ang sagot ni Lou na inilarawan ang kanilang naging relasyon na “super beautiful.”

Naniniwala rin ang model-actress na binigyan nila ang isa’t isa ng sense of purpose.

Marami, aniya, siyang natutunan sa kanilang relasyon.

Kuwento pa ni Lou, sinubukan din nilang ayusin ito, pero mahirap, aniya.

At sa kabila ng nangyari, Lou still cares about André.

Andre at Lou

Nang matanong kung kailan siya huling umiyak dahil sa ex-boyfriend.

Inamin ni Lou na umiyak siya gabi bago ang appearance sa show.

Hindi aniya madaling mag-move on sa taong minahal mo nang sobra.

“I mean yung moving on ko, hindi naman kabilis parang sa lahat (ng tao),” saad pa ni Lou.

Pero kung bigyan ng chance, babalikan ba niya si André?

Maaari, aniya, itong mapag-usapan.