Sinampahan na ng kasong graft sa Office of the Ombudsman sina Department of Education (DepEd) Undersecretary Alain Del Pascua, Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, dalawa pang city official at isang pribadong indibidwal kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng P320 milyong halaga ng smart tablets para magamit ng mga estudyante noong 2020.
Sinabi ng mga complainant na sina Christopher Malonzo, Marylou San Buenaventura at Alexander Mangasar na dapat complainant na dapat ay managot ang mga nasabing opisyal sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) dahil binili ng mga ito ang mga gadget kahit “hindi dumaan sa public bidding” at bukod sa overprice ay hindi pa tumutugon sa minimum specifications na kailangan ng DepEd.
Bukod kina Pascua at Malapitan, kinasuhan din sina City Treasurer Analiza Mendiola, Oliver Hernandez bilang chairman ng bids and awards committee, at Annalou Pallarca, senior project officer ng Cosmic Technologies, Inc. (COSMIC) na supplier ng smart tablets.
Ibinunyag pa ng tatlong complainant sa anti-graft agency na ang mga nabanggit na tablet ay para magamit ng public school students upang matulungan ang mga ito sa kanilang online learning system na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Czarina Nicole Ong Ki