Arestado ang dalawang construction worker, kabilang ang isang menor de edad, matapos masamsaman ng pampasabog sa Malabon City, nitong Miyerkules ng umaga.

Kabilang sa inaresto si Jimmy Boy Villena, 23, binata at kasamahan nitong 17-anyos na  binatilyo, kapwa taga-No. 127-55 Dulong Bronze, Barangay Tugatog ng nasabing siyudad.

Sa ulat ng pulisya, nagpapatrulya ang mga pulis nang mamataan ang dalawa na naglalakad sa panulukan ng M.H. Del Pilar St. at Basilio St,, Brgy. Tugatog sa kabila ng ipinaiiral na curfew.

Sinita ng pulisya ang dalawa hanggang sa makitang hawak-hawak ni Villena ang isang improvised molotov bomb.

Internasyonal

Pope Francis, tinig ng awa, habag, at pag-asa —Pangilinan

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 (Possession of Molotov Cocktail Bomb).

Orly Barcala