Umani ng paghanga at inspirasyon sa mga netizens ang post ng isang binata. Kaugnay sa karera ng kanyang buhay, na halos mahigit apat na taon ding laman ng lansangan bilang jeepney driver, hanggang sa makapagtapos ito ng kolehiyo.

Hindi lang collegegraduate, instant celebrity pa ngayon si Marvin Padilla Daludado, 22, naninirahan sa Barangay Malanday, Valenzuela City, matapos mag-viral ang kanyang ipinost sa Facebook na nakasuot ng graduation uniform hawak ang mga jeepney signs ng mga lugar ng kanyangruta.

Partikular na pinasalamatan ni Daludado ang Poong Maykapal, kanyang mga magulang, kaibigan at ang mga naging pasahero dahil sa kanyang narating.

Anim na beses sa isang Linggo kung bumiyahe ng jeep ang binata at ang ruta nito ay Malanday- Recto-Pier at sa gabi naman ay pumapasok ito sa unibersidad.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

Siya’y nagtitiis sa init ng panahon tuwing summer at sa baha naman sa panahon ng tag-ulan.

Sa determinasyon ni Daludado na umasenso at magkaroon ng titulo, natapos niya ang kursong Bachelor of Science and Information Technology sa University of the East- Caloocan City.

Sabi pa ng binata, walang pangarap na hindi matutupad sa mga taong nagsusumikap at naniniwala sa Diyos.

Orly L. Barcala.