Tuloy-tuloy ang pagdi-display ng kanilang intimate photos ang engaged couple na sinaDerek Ramsay at Ellen Adarna.

Gayunman, tila hindi nagustuhan ng lahat ang kanilang latest shot.

Sa larawan, makikita ang couple na nag-kiss habang buhat ng shirtless na si Derek si Ellen, na nakasuot lang ng t-shirt at underwear.

Tila na-weirduhan sa ginawa nilang post, caption ni Derek: “Why????????? (monkey face with hands covering its ears emojis).”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Samantala, nag-share din ang 33-anyos na sexy actress ng isang collage of photos nilang dalawa.

Kasama nito ang hashtags na “#workinout,” “#annoyingcouple,” “#effort,” “#feelingyoung” “#walangmagawa,” at “#stayathome.”

Bagamat may mga humanga sa acrobatic post ng dalawa, ilan naman ang nagsabi na tila “offensive” ito.

Ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang mapansin din sa social media ang kanilang photo collage na nagpapakita ng kanilang acrobatic pose.