Isang candid photo ang ipinost kamakailan ng aktres na si Julia Baretto kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson.
“Social distancing (heart emoji),” caption ni Julia.
Marami ang naniniwala na bumisita ang aktor sa lock-in taping ng Julia.
Sa larawan, mapapansin na naka-pangmotorsiklo na suot si Gerald habang naka shirt, jeans at sneakers ang aktres.
Matatandaang sa latest vlog ni Julia, ibinahagi nito ang kanyang quarantine bago sumabak sa lock-in taping.
Nag-viral ang video na ito, nang mapansin ng netizens na walang suot na undergarments ang aktres.
Samantala, simple naman ang reaction ni Gerald na photo nila ni Julia na may tatlong heart emojis.
Well, walang makapag-comment sa post na ito ni Julia dahil naka-disabled ang comment section nito sa kanyang Instagram account.