GABALDON, Nueva Ecija – Limang katao ang inaresto ng mga awtoridad matapos i-raid ang isang ilegal na tupadahan sa Bgy. Bugnan, kamakailan.

Kinilala ni PCapt. Aniceto Caarang Jr. ang mga naarestong suspek na sina Dario Panginan, 45; Jose Allan Buan, 49, kapwa residente ng Bgy. Bugnan; Arvin Limos, 25, ng Bgy. Aduas Sur, Cabanatuan City; Miko Bernardo, 18; at isang menor-de-edad ng Bgy. South Poblacion, Gabaldon, Nueva Ecija.

Probinsya

Isang pamilya, minassacre at niratrat sa bahay; sanggol, nag-iisang nakaligtas!

Ayon kay PCapt. Caraang Jr., sinalakay ang lugar makaraang makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na ilegal na pagsasabong sa lugar.

Dakong 4:30 ng hapon nang ikasa ang operasyon na nag-resulta sa pagkakahuli sa umano’y mga sabungero.

Light Nolasco