Sa kulungan ang bagsak ng tatlong drug suspect matapos maaresto ng mga pulis sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Makati City nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay City Police chief, Col Harold Depositar, ang mga naaresto ay nakilalang sina Michael Andrew Policarpio, alyas “Boy Negro”, 43, at taga-General Mojica St., Barangay Bangkal, Makati City; Jayce Policarpio, alyas “JC,” ng nasabi ring lugar, at  Juan Carlos, Jr., 57.

Sa police report, ang unang dalawang suspek ay dinakip sa buy-bust sa Brgy. Bangkal ng lungsod at nasamsaman ng P510,00 halaga ng iligal na droga, dakong 6:00 ng gabi.

Hinuli naman si Carlos sa kanto ng Ricarte St., at MH del Pilar St., Brgy. Rizal ng lungsod at narekober sa kanya ang P340,000 halaga ng shabu.

Metro

Barangay tanod na nagseselos, 'sinamurai' ang canteen helper; patay!

Nakatakdang sampahan ng kaso ang mga ito, ayon pa sa pulisya.

Bella Gamotea