Posible nang iitsa-puwera sa quarantine protocol ang mga fully vaccinated na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos irekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) na huwag nang isailalim sa ganitong protocol ang mga tapos nang bakunahan.
Aniya, may binuo na sub-committee ang IATF na lilikha ng rekomendasyon na may kinalaman sa ipatutupad na protocol para sa mga nakakumpleto na ng bakuna.
Inilabas ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag sa gitna ng konsiderasyong magkaroon na ng pagkaka-iba sa protocol para sa mga fully vaccinated, hindi pa naka-kumpleto at wala pang bakuna.