Nagsalita na si Megastar Sharon Cuneta hinggil sa mga tsismis na biktima siya ng domestic violence mula sa asawang si Senator Kiko Pangilinan.

Nilinaw ni Sharon ang lahat sa pamamagitan ng isang Instagram live session kasama si Kiko.

Sharon at Kiko

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Pinabulaan niya ang tsismis na nagpunta siya ng Amerika dahil inaabuso siya ng kanyang mister.

“Sa awa ng Diyos, mula ng pagkabata ko, wala pa po naman akong nakilala, minahal, nakasama o ano pa man na nasaktan ako. Maaaring sa puso pero hindi physical, ever. (Thanked God, ever since I was young, I never met, love, or be with someone who hurt me. Maybe wounded my heart, but never physically, ever.),” pagbabahagi ni Sharon.

Iginiit din ni Sharon na never siya pinagbuhatan ng kamay ni Kiko.

Naikuwento rin niya ang payo ng kanyang ama na iwan agad ang sinumang mananakit sa kanya.

“Dahil ang susunod na daw suntok, sipa, tas bubugbugin ka na,” say pa ni Sharon.

Natawa rin ang aktres sa fake news na may dine-date itong batang boyfriend, at nabuntis siya.

Ang dahilan ng pagpunta niya sa Los Angeles, California ay para sana i-shoot ang isang Hollywood movie kasama ang all-Filipino cast, kabilang ang comedian na si Jo Koy.

Gayunman, hindi ito natuloy nang makatanggap siya ng “false positive” COVID-19 test result.