Hindi na sikreto na isang avid fan ni Ariana Grande ang actress-comedian-vlogger na si Alex Gonzaga.

Kaya naman nang malaman nito na ikinasal na ang kanyang idol, napa-react ang aktres.

Sa Twitter, ipinost nito ang isang side-by-side wedding photo niya at ng kanyang asawang si Mikee Morada at ang wedding photo nina Ariana at Dalton Gomez.

“When your lodi marries the same way as you… AG from the east and west ftw! mars it’s a tie!!,” tweet ni Alex.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1397785801258192896?s=03

Gayunman, hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawa ni Alex.

Sa katunayan, isang online user ang nagtanong sa “connection” ng photos, na sinagot ni Alex: “Intimate weddings at home.”

“Gets?”

Pinatulan din ni Alex ang basher na inakusahan siya ng “stealing Ariana’s spotlight.”

“The universe doesn’t revolve around one person.”

Reply ng komedyante: “Nakakatawa ka naman. Tingin mo with this tweet na-agaw ko spotlight kay ARIANA!?? Seryoso ka? Hahahah Nakausap ko si Ariana ok naman at happy and busy siya sa married life. Di naman nya ininda tong tweet ko ‘coz this is just me fangirling. Sorry ah tropa mo ata si ariana.