Siguradong excited na ang fans ni Joshua Garcia dahil sa pagbabalik-serye kasama ang breakout star na si Charlie Dizon.

Nitong Mayo 26, inanunsiyo ng ABS-CBN Unit RCD Narratives na magsasama ang dalawa sa seryeng "Viral."

Makakasama rin nila rito ang magagaling na aktor kabilang sina Dimples Romana at Jake Cuenca.

“Welcome to Team Viral, Joshua Garcia!” anunsiyo ng RCD Narratives, na siya ring nag-produce ng mga sikat na series gaya ng “The Killer Bride” at “A Soldier's Heart.”

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Huling proyekto ni Joshua ang The Killer Bride, bago pagkaitan ng franchise ang ABS-CBN.

Star-studded ang cast ng “Viral,” dahil makakasama rin nila sina Miko Raval, Rommel Padilla, Maxene Magalona, Vance Larena, Kaila Estrada, Ria A., Markus Paterson, Gian Magdangal, Louise Abuel, Karina Bautista, at Aljon Mendoza.

Mula sa direksyon nina Dado Lumibao at Froy Allan Leonardo, patungkol ang “Viral” sa isang babae na naging biktima ng isang sex scandal.

Mapapanood ang serye sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (free live-streaming), iWant TFC (on-demand streaming), at A2Z Channel 11.

Ador V. Saluta