CEBU CITY – Kumpiskadoang P6.9 milyong halaga ng shabu sa dalawang drug courier na umano'y tauhan ng isang inmate ng Cebu City Jail, sa isang buy-bust operation sa Barangay Luz, nitong Sabado.

Nasa kustodiya na ng pulisya sina Vincent Mayol Suplac, 27, mekaniko, at Giovanni Ambrag, 25, construction worker, matapos silang dakpin sa ng mga tauhan ng City Intelligence Unit (CIU) ng Cebu City Police Office (CCPO) sa nabanggit na lugar.

Ang dalawa ay nasamsaman ng 1.2 kilo ng shabu, ayon kay CCPO chief, Col. Josefino Ligan.

Sinabi ni Ligan, ginagamit ng drug suspect na siNelgin Dacalos, na kasaukuyangnakapiit sa Cebu City Jail, ang dalawa sa pagdedeliber ng illegal drugs sa lungsod hanggang sa sila ay madakip.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

“Dacalos, who is known as ‘Kumander Ado’ inside the City Jail, was still able to facilitate his drug transactions through his trusted man Suplac. His distribution covers the entire city,” pahayag pa ni Ligan.

Nahaharap na sa kaukulang kaso sina Suplac at Ambrag.

Calvin Cordova