ILOILO CITY - Dead on the spot ang isang umano'y high-ranking leader ng New People’s Army (NPA) at may pabuyang P4.8 milyon sa sinumang makapapatayo makapagtuturosa kanyang pinagtataguan matapos umanong lumaban sa mga awtoridad habang inaaresto sa Pavia, Iloilo, nitong Biyernes ng gabi.
Kaagad na kinumpirma ni Police Brigadier General Rolando Miranda, regional director ng Police Regional Office (PRO-6),na si Reynaldo Bocala ang napatay sa ikinasang operasyon ng pulisya sa kanyang pinagtataguan, dakong 8:20 ng gabi.
Napatay din ang tauhan ni Bocala na si Willy Epago matapos silang lumaban sa grupo ngRegional Intelligence Division,Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Region 6), Iloilo Police Provincial Office (IPPO), at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsisilbi lamang sana ng warrant of arrest.
Pagtatanggol ng mga awtoridad, pinaputukan sila ng dalawa kaya napilitang makipagbarilanang mga ito.
Dati umano itong deputy secretary ng Southern Front Committee ng NPA.
Naging finance officer din ito ng kilusan, bukod pa ang pagiging hepe rin nito ng regional operational department ng mga rebelde sa Panay Island.
Tara Yap