Walang alam sa sports na basketball, pero effort pa rin na makanuod ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Bakit?
Well, gusto lang niyang masilayan ang kanyang “crush.”
Ang masuwerteng guy?

Si Kobe Paras.
Sa isang interview sa skincare sponsor ng pageant at fellow Filipina Olivia Quido-Co, ikinuwento ni Rabiya na lagi niyang hinahanap ang isang player na may suot ng jersey number 6, kahit wala siyang naiintindihan sa laro.