Trending online ang isang footage mula sa 2014 episode ng “Gandang Gabi Vice” kung saan guest sina Julia Barretto at Enrique Gil.

Ang dahilan? ‘Receipt’, anila, ito na nagpapatunay na nakatikim na ang aktres ng isaw, bagay na itinanggi nito sa vlog ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Matatandaang sa appearance ng aktres sa vlog ni Gerald, tinikman nito ang mga sikat na Pinoy street food kabilang ang isaw, papaya, singkamas, Indian mango, balunbalunan, kwek-kwek, binatog na mais, suman, at dinuguan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nang tanungin ni Gerald kung ano ang pinaka-excited niyang tikman, sagot ni Julia: “Wala!”

Pero willing mag-try ng street food ang aktres para sa kanyang babe.

Kalaunan, kumalat sa social media ang photos at videos ni Julia habang kumakain ng isaw.

Pinagtatawanan ng fans ang pagsisinungaling ng aktres sa pagkain ng isaw.

Ngayon, inuulan ng komento ang bagong viral video na karamihan ay disappointed sa pagsisinungaling ni Julia.

Ilan sa comments:

“So cringe. Julia forgets her own lies.”

“Hahahaha pretentious msyado si gurl”

“Nkaka amnesia pala kumain ng isaw.”

“Isaw Princess.”

https://youtu.be/GVYHuIeiE80