Dapat na panindigan ang interes ng bansa sa West Philippine Sea sa gitna ng ginagawang pag-ubos ng China sa mga yamang-dagat nito.

Ito ang muling paalala ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa gobyerno kung saan igiit ng grupo ng mga abogado na dapat ang Executive department,Congress, military, judiciary, constitutional commissions, at local officials ay dapat magkaisa at isulong ang arbitral win ng Pilipinas laban sa pag-aangkin ng Tsina sa WPS.

Pinababawi rin ng IBP sa gobyerno ang pahayag na isa lang papel na maaring itapon sa basurahan ang nasabing ruling.

Ipinadedeklara rin ng IBP sa gobyerno na bawal mangisda ang Tsina at iba pang dayuhan sa Philippines’ exclusive economic zone (EEZ) saan pirmado ng IBP board of governors ang nasabing pahayag.

National

Rep. Paolo Duterte, nagbabala vs pekeng Viber account na ginamit number niya

Beth Camia