Kung walang mabago sa plano, inaasahang sa Hulyo ang homecoming ni Miss Universe Rabiya Mateo.

Ito ang ibinahagi ni Jonas Gaffud, creative director ng Miss Universe Philippines, sa isang exclusive chat nitong Huwebes, Mayo 27.

Kuwento ni Jonas, naimbitahan kasi si Rabiya sa ilang aktibidad sa US. Bagamat hindi na nito idinetalye ang mga activities.

“July pa siguro. May mga events pa siya rito,” say ni Jonas, nang matanong hinggil sa homecoming ni Rabiya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nasa US pa rin si Rabiya at Jonas matapos ang 69th Miss Universe Competition kung saan nagtapos sa top 21 ang Filipino beauty queen.

Jonas at Rabiya

Pero pagbabahagi ni Jonas, uuwi na siya ng Hunyo 17 para paghandaan naman ang 2021 Miss Universe Philippines pageant. Kamakailan lamang ay nagdiwang din si Jonas ng kaarawan sa US.

Nang hingan namin ng komento sa pagkabigo ni Rabiya na maiuwi ang korona, simple ang sagot ni Jonas: “It’s destiny.”