Masayang ibinahagi sa social media ng aktor na si Boom Labrusca, ang pagbubuntis ng kanyang misis, na si Desiree del Valle.

Sa Instagram, ipinost ni Boom ang ilang photos ni Desiree at ang baby bump nito.

IG photo

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Caption nito, “Believe in what you Pray for…”

“Isaiah 60:22: “At the right time , I , the Lord will make it happen.”

Idinetalye rin ng aktor kung paano nila nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ni Desiree nitong Abril 22.

“17 weeks and counting,” dagdag pa niya. “Cant wait to see you baby.”

“Btw it is also my darling’s b-day today so, happy, happy b-day to my best friend ,my wife , my Life…”

Bukod dito, ibinahagi rin niya ang photo ng sonogram, pregnancy test result, at isang larawan ng soon-to-be mom habang nagse-celebrate ng kanyang birthday.

Taong 2016 nang ikasal sina Boom at Desiree.