Limang miyembro ng isang pamilya sa Indonesia ang nalunod nang bumigay ang dock kung saan sila nagse-selfie, ilang linggo pa lamang ang nakalilipas matapos ang katulad na aksidente.

Ayon sa awtoridad, nasa Kandi Lake sa West Sumatra ang pamilya na may kasamang 14 miyembro nang magkumpulan ang mga ito sa isang gawa sa kahoy na istruktura upang mag-selfie. Gayunman, dahil sa bigat nilang lahat bumigay ang bahagi ng pantalan.

Kabilang sa limang nalunod ang 17-anyos habang nakaligtas naman ang iba pang miyembro ng pamilya.

"They were taking a selfie on the dock when the incident happened," pahayag ni local police chief Junaidi Nur, na closing hours na nang mangyari ang aksidente kaya’t walang security sa lugar.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Naiahon na ang katawan ng mga biktima at patuloy na iniimbestigahan.

Ngayong buwan lamang, siyam na turista ang namatay nang lumubog ang kanilang sinasakyang bangka habang nagse-selfie sa isang reservoir sa Java island.

AFP