Tatlong boksingerong Pinoy ang nakasisiguro na ng bronze medal matapos umusad sa semifinals ng ginaganap na 2021 ASBC Elite Men's and Women's Boxing Championships sa Dubai, United Arab Emirates.

Nagsipagtala ng impresibong panalo sina Mark Lester Durens at Junmilardo Ogayre sa kani-kanilang weight divisions habang nakakuha ng bye at direkta ng susulong ng semis ang dating world champion na si Josie Gabuco.

Nagtala si Durens ng first-round referee-stopped-contest (RSC) win kontra kay Mansour Khalefah ng Kuwait sa men's light flyweight (46-49kg.).

Nagposte naman ng 5-0 unanimous decision panalo si Ogayre kontra kay Rukmal Prasanna ng Sri Lanka sa men's bantamweight (56 kg.).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makakasagupa sa semifinals ni Durens si Daniyal Sabit ng Kazakhstan habang makakatunggali naman ni Ogayre ang top seed na si Mirazizbek Mirzahalilov ng Uzbekistan.

Hinihintay naman ni Gabuco ang mananalo sa pagitan nina Rasmika Ilangaratha ng Sri Lanka at Gulasal Sultonalieva ng Uzbekistan sa women's light flyweight division (45-48 kg.).

Sa iba pang resulta, nagwagi naman si Jere Samuel Dela Cruz laban kay Jeewantha Wimukthi Kumara ng Sri Lanka (4-1) upang makausad sa men's lightweight (60kg.) quarterfinals kontra kay Varinder Singh ng India.

Hindi naman pinalad ang kanilang mga kakamping sina Marvin Tabamo (men's flyweight, 52kg.), John Paul Panuayan (men's light welterweight, 64 kg.) at Maricel Dela Torre (women's lightweight, 57-60kg) makaraang mabigo sa kanilang first round match. 

Marivic Awitan