ABUJA (Xinhua) — Isa na namang bangkang may mahigit 160 ang pasahero ang lumubog sa isang ilog sa northwest Nigeria, nitong Miyerkules.

Ito ang kinumpirma ni Nafiu Abubakar, tagapagsalita ng pulisya sa Kebbi state, at sinabing ang naturang bangka ay naglalayag sa Niger River mula sa Niger at patungo na sana sa Kebbi nang maganap ang trahedya.

Paliwanag ni Abubakar, hindi pa nito matiya ang bilang ng mga namatay at nawawala dahil patuloy ang isinasagawang rescue operation.

Sinabi naman ng isangdistrict official ng Kebbi na resulta umano ng overloading ang trahedya.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Nitong Mayo 8, aabot sa 28 ang naiulat na namatay nang lumubog din ang sinasakyang bangka sa Niger.