Mukhang hindi nilalayuan ng intriga ang aktres na si Julia Barretto.

Sa pagkakataong ito, bina-bash ang aktres ng netizens dahil umano sa pagpapanggap na ‘walang alam’ at hindi pa kailanman siya nakakain ng ng isaw, isang sikat na street food na gawa sa bituka ng manok.

Nabanggit kasi ito ng aktres sa vlog ng kanyang boyfriend na Gerald Anderson, last month.

Sa vlog, nang tinanong ni Gerald na "never ka pa nakakain nito?"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sagot ni Julia , "never ever, only for you!"

Screencap from Youtube

Tila naiilang pa ang aktres na nakainin ang isaw at tinanong pa ang bf ng "wait what it is again?"

Pero ang netizens, nakahalungkat ng video niya ng pagkain ng isaw noon at mukha namang enjoy ito sa pagkain ng street food.

https://twitter.com/wut_upHoe/status/1397033971523887110

So what’s the tea, Julia?

Kanya-kanya namang paliwanag ang netizens sa naging aksiyon ng aktres:

“Nagpapa-cute lang sa BF!”

“Great pretender!”

“Pa-sweet ang lola mo, kunyari nandidiri pa! Aysus!”

“Well-raised, rich kid nga kuno ang peg di ba?”