Sa wakas ay nagsalita na rin si Yassi Pressman o mas kilala bilang si 'Alyanna' sa karakter nito bilang bilang asawa ni Coco Martin sa “FPJ's Ang Probinsyano,” na almost 6 years nang namamayagpag sa primetime TV.

Paglilinaw ni Yassi, hindi siya tinanggal sa serye, bagkus siya nagpaalam siya para sumubok ng iba pang kaya niyang gawin. Ito ang pagho-host ng bagong reality program, na “Rolling In It,” ang Philippine version ng isang sikat na game show sa UK.

Sa presscon ng “Rolling In It” nitong Martes, May 25, opisyal nang ipinakilala nga ng TV5, Cignal, at Viva Television si Yassi bilang host nito.

Pagbabahagi ng aktres, personal choice siya ng Rolling In It UK creators para maging host ng Philippine version ng game show, at ito ang kanyang unang programa matapos magpaalam sa “Ang Probinsyano”.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“That happened din po kasi because of schedule dahil mahirap na rin po ituloy yung lock-in kaya po sobrang thankful ako sa Dreamscape [Ang Probinsyano producer], sa ABS-CBN, all of my bosses, especially kay Coco [Martin] I just really appreciate that he appreciated me and yung impact ni Alyana sa kuwento.Sana po patuloy niyo silang suportahan, Ang Probinsyano, every week night po 'yan dito rin po TV5,” saad pa ni Yassi.

Thankful din ang aktres sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga producer ng “Rolling In It,” gayundin sa TV5 at sa Cignal TV.

“Thank you for trusting me. It’s an honor to be here,” aniya pa.

Ador V. Saluta