TACLOBAN CITY – Dalawang menor de edad ang arestado matapos umanong pagnakawan at patayin ang isang retiradong US navy sa inuupahan nitong establisyamento sa lungsod, Mayo 25.

Kinilala ni PMaj. Winrich Lim, Tacloban City Police Station 2 chief, ang dalawang suspek, na isang 16-anyos at isang 17-anyos, na pinasok at nilooban ang inuupahang lugar ng biktima na kinilalang si Thomas Mate, 62, residente ng Zamora St., Barangay 7.

Larawan mula sa Tacloban City Police

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa inisyal na imbestigasyon, natunugan umano ng biktima ang dalawang suspek at inispeksyon ang kanyang inuupahang establisyamento kung saan nakita nito ang dalawang minor na nagtatago sa loob ng isang stall.

Nagpambuno umano ang biktima at ang mga suspek na nagresulta sa pagkasaksak sa una ng hindi pa batid na armas.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival dakong 3:38 ng madaling araw nitong Mayo 24.

“I think there is a need to revisit the lowering of criminal liability,” saad ng opisyal, lalo’t karamihan, aniya, ng kanilang nahuhuli ay mga menor de edad sa ilang krimen tulad ng holdap, pagnanakaw, alarm and scandal at iba pa.