Taong 2017 ng magpahinga si John Lloyd Cruz sa showbiz at maraming pagbabago ang naganap sa kanyang buhay.

Naging girlfriend niya si Ellen Adarna, nagkaroon sila ng anak pero sa huli ay hindi rin happy ang naging ending ng dalawa.

Mapapansin din noon na tila napabayaan ng aktor ang kanyang anyo at nagmistulang naging ermitanyo.

At kung noon ay parang wala na siyang gana na magbalik-showbiz, biglang naiba ang ihip ng hangin.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Kamakailan lamang ay pumirma si John Lloyd bilang unang major artist na ima-managed ng Crown Artist Management, ang talent agency na itinayo ni Maja Salvador.

Maja

Puhunan ng aktor ang galing sa pag-arte. Dahil dito hindi mahirap para sa Crown na buhayin ang nahimbing na career ni Lloydie.

Sa usapin naman ng romantic comedy click na click ang aktor at perfect na handog as comeback vehicle. Saka na ang project na pangsabak sa festival abroad na dahil sa haba ng screening time ay inaayawan ng theater owners.

Welcome back John Lloyd!